2025 na Sarbey ng Ahensiya para sa Munisipal na Transportasyon ng San Francisco (San Francisco Municipal Transportation Agency, SFMTA/Muni) ukol sa Partisipasyon ng Publiko at Tulong sa Wika |
Salamat po sa pag-uukol ng panahon upang makompleto ang sarbey na ito. Makatutulong ang inyong opinyon upang magabayan at mapaghusay ang mga pagsusumikap ng SFMTA/Muni sa pag-abot sa nakararami at pagpapalahok sa publiko, kasama na ang mga indibidwal na posibleng may limitadong kakayahan sa Ingles.
Para sa bawat tanong sa sarbey, paki-check ang kahon na katumbas ng inyong sagot sa tanong na iyon.