Plano sa Transportasyon ng San Francisco sa 2050+

Sagutan ang survey sa ibang wika: Español (Espanyol) | 中文 (Chinese) | English (Ingles)
3 Tanong na Pagsusuri Sa Ibaba
Limang survey respondents ang pipiliin randomly na mananalo ng $50 Clipper card! Upang mag-qualify i-submit lamang ang inyong email.

Panimula
Binabago bawat apat na taon, ang Plano sa Transportasyon ng San Francisco ang blueprint para sa pagpapaunlad at pamumuhunan sa pamamaraan ng transportasyon ng lungsod sa loob ng susunod na 30 taon.

Tinutukoy nito ang mga dapat unahin para sa pagpopondong discretionary para sa transportasyon – pagpopondong hindi nauugnay na mga natatanging proyekto o paggamit – para sa mga pangangasiwa, imprastruktura, pagpapanatili, at iba pang kaurian (alamin pa rito).

Kasama sa mga plano ngayong taon ang mga kalakaran sa pagbibiyahe pagkatapos ng pandemya, nabagong pagtataya ng kita, at mga mahusay na paraan sa pamumuhunan.

Mga Nabagong Kalakaran sa Pagbibiyahe at Pagtataya sa Kita
Mula 2019 hanggang 2023, may malaking pagbaba sa dami ng pagbibiyahe sa San Francisco na may 41% na mas kaunting biyahe papunta/paalis/sa loob ng SF. Dulot ito ng maraming dahilan, kasama ang mas mataas na bilang ng mga nagtatrabaho sa bahay.

Mas mababa na ang dami ng mga sumasakay sa transportasyon, na nakakaapekto sa mga kita sa pagpapatakbo. Kapag bumibiyahe ang mga tao, mas madalas nang pinipili ng mga tao ang gumamit ng sasakyan kung ihahambingsa dati. Halimbawa, mas madalas nang nagmamaneho ang mga taong may mas mababang kita at hindi na masyadong sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Tinataya naming bababa ang revenue ng ~12% sa loob ng 30 years, dulot ng pagbaba ng pamasahe ng transit, bayad sa paradahan, at sales tax receipts.

Ipinapakita ng mga pangmatagalang pagtatayang lalaki ang dami ng tao at dadami ang mga hanapbuhay sa San Francisco, at sa mga kasalukuyang kalakaran sa pagbibiyahe, magiging mas masikip ang ating mga kalsada at mas magiging puno ang ating mga bus at tren.

Bagama't malaki ang idinulot na abala ng pandemyang COVID-19, nagbibigay rin ito ng pagkakataonsa San Francisco na pangasiwaan ang masiglang pagbangon nito gamit ang mga pinahusay na pagpipilian sa pagbibiyahe para sa lahat.

Mahusay na Paraan sa Pamumuhunan
Kailangang baguhin ang Plano sa Pamumuhunan para tumugma sa loob ng mas mababang kita sa transportasyon sa loob ng susunod na 30 taon. Karamihan sa mga pondo ang nakatuon sa mga natatanging proyekto o gamit, ngunit inaasahan naming magkaroon ng ~10 bilyong discretionary fund, na nangangahulugang mayroon tayong kakayahang umangkopsa kung paano natin ito gagastusin.

Ang Vision Plan ay may palagay na potensyal additional revenue na naghahalagang ~$15 billion mula sa kasalukuyang unknown sources gaya ng grants at state funds.

Ipinapakita ng pie chart na ito kung paano inilalaan ng Plano sa Pamumuhunan ang mga kaurian sa paggastos noong 2022.

Question Title

Isang pie chart na may mga sumusunod na slice (sa 2020 dollars): Mga Pagpapatakbo at Pagpapahusay ng Transportasyon ($49,230), Pagpapanatili ng Transportasyon at Kalsada ($12,179), Malalaking Proyekto  sa Transportasyon ($10,365), Mga Mas Ligtas at Kumpletong Kalsada ($2,093), Pamamahala ng mga Kalsada at Freeway para sa Susunod na Henerasyon ($486), at Pamamahala at Pagpaplano ng Pamamaraan ng Transportasyon ($3,997).
Batay sa mga mas mababang pananaw sa kita, isinasagawa namin ang pamamaraang ito para sa pagpopondo:
  1. Pondohan ang mga pangangasiwasa transportasyon para mapanatili ang mga antas ng paglilingkodnoong 2023 sa pinakamababa.
  2. Pondohan ang pagpapahusayng transportasyon at kalsada para mapanatili ang mga kalsada at ari-arian, gaya ng pagkumpuni ng mga butas sa kalsada, at mga bus at tren (tinatawag na State of Good Repair)
  3. Unahin ang mga natitirang pondong discretionary para sa iba pang kaurian.
 
25% of survey complete.

T