Ang San Francisco Transportation Plan (SFTP) ay ang banghay para sa pagpapaunlad at pamumuhunan ng pamamaraang pagbibiyahe ng lungsod. Kabilang dito ang isang Plano sa Pamumuhunan, na may hangganan sa inaasahang kita ng pagbibiyahe sa susunod na tatlumpung taon, at isang Planong may Pananaw, na nagbabalangkas ng mga proyekto at programang nais naming pondohan ng dagdag ng mga kita.
Ang iyong maibabahagi ay mahalaga sa paghubog ng planong ito.Sa unang yugto ng pagpapaabot, ang karamihan ng mga tumugon ay kinatigan na unahin ang pagpapalakad ng pagbiyahe sa kasalukuyang antas ng paglilingkod at mamuhunan sa mas ligtas na mga lansangan. Kasabay ng bagong maaaring pondo, ang mga uunahin ay gawing mas madalas ang pagbibiyahe, maaasahan, ligtas at malinis.
Sa pagbibigay ng mga masasabi, kami ay nakatuon sa Planong may Pananaw, na nagpapahintulot sa aming maghanda ng plano kung may magkaroon ng mga bagong kita sa pagbangon ng ekonomiya. Ang banghay ng Planong may Pananaw ay kasama ang mga sumusunod:
- Ibalik ang pagpopondo sa mga proyekto at mga programa sa antas na inaasahan sa SFTP 2050
- Palawakin ang paglilingkod ng Muni transit batay sa kiung saan makikita ang pangangailangan.
- Palawakin ang paglilingkod ng pagbiyahe nang lubusan, nang may dagdag na paglilingkod ng Owl, paglilingkod sa mga Pamayanang may Prayoridad sa Pagkakapantay- pantay
- Paghusayin ang kabuuang pagkamaasahan at gawing mas ang maginhawa ang pagbibiyahe
- ipatupad ang prayoridad sa pagpapahinahon ng pagbibiyahe at multimodal na proyekto sa kaligtasan
- Lubusang pondohan ang binatay sa pamayanang pagsisikap sa pagpaplano
- Planuhin at magdisenyo ng mga nakakapagpapabagong freeway at pangunahing proyekto sa lansangan para mapahusay ang pagkakaugnay