Pag-aaral ng Vision Zero tungkol sa Mga Rampa ng Freeway: Draft ng Mga Disenyo para sa Pagpapahusay Sagutan ang survey sa ibang wika: Español (Espanyol) | 中文 (Chinese) | English (Ingles) Tutukuyin ng Pag-aaral ng Vision Zero tungkol sa mga Rampa ng Freeway ang mga pagpapabuti sa kaligtasan sa mga pinagdurugtungan ng mga rampa at freeway para suportahan ang Vision Zero — ang pangako ng San Francisco na alisin ang mga pagkamatay sa trapiko at bawasan ang malulubhang pinsala.Ang 11 lokasyon na kasama sa Pag-aaral ay matatagpuan sa Distrito 7, 9, 10, at 11. Natukoy ang mga rampang ito bilang mga prayoridad sa Estratehiya para sa mga Kalsada at Freeway sa 2022. Karamihan sa mga rampa ay nasa Vision Zero High Injury Network at/o sa mga Komunidad na Prayoridad para sa Pagkakapantay-pantay (Equity Priority Communities).Ang mga layunin ng pag-aaral ay ang: Pagbutihin ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta at naglalakad Pagbutihin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga network ng bisikleta at pedestrian Panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko para sa lahat ng uri ng transportasyon Mabilis na ipatupad ang mga pagbabago sa kalsada Noong unang yugto ng aming pakikipag-ugnayan sa komunidad noong nakaraang tagsibol, hiniling namin sa mga miyembro ng komunidad na ibahagi ang kanilang mga karanasan at hamon sa paglalakbay sa paligid ng 11 rampa ng freeway. Matapos isaalang-alang ang feedback ng komunidad, mangalap ng data tungkol sa kaligtasan, at makipag-ugnayan sa aming mga katuwang na ahensiya (kabilang ang San Francisco Municipal Transportation Agency at Caltrans), bumuo kami ng mga draft na panukala para sa pagpapabuti ng kaligtasan sa bawat rampa.Pakikumpleto ang survey para matulungan mo kaming maunawaan ang antas ng iyong pagsuporta sa mga iminungkahing disenyo sa 11 rampa ng freeway. Maaari kang magbigay ng feedback para sa kahit ilang lokasyon ng rampa na gusto mo. Inaasahang aabutin ng humigit-kumulang 5 minuto ang pagsagot sa survey para sa bawat lokasyon. Question Title 12% of survey complete. Susunod